Nagmamadali
si Nalybel. Nguni’t di tulad sa kanyang mga kaklaseng pauwi na, siya’y patungo
sa silid aklatan.Walang ibang
tao roon maliban sa naghihilik na si Bb. Ancheta, ang matandang librarian.Patingkayad
siyang lumakad patungo sa eskaparate ng pakay niyang libro.Wag po
sanang magising, wag po sanang magising! ang naidasal ni Nalybel sa kanyang
sarili.
Habang papalapit, palakas nang palakas ang
kabog ng kanyang dibdib. Dahan- dahan niyang binuhat ang silyang katabi.Marahan
siyang tumuntong dito atdinukwang ang libro sa
lalagyan.Kapagdaka’y buong ingatsyang
bumaba bago naglakad na parang pusa sa likurang bahagi ng silid-aklatan upang
doon magkubli.
Umupo
si Nalybel sa isang sulok. Malalim ang hingangbinuksan niya ang libro ng
dahan-dahan.Sinisigurado niyang huwag lumikha ng anumang kaluskos. Kailangan niyang tapusin agad ang iskrippara
sa kompetisyon. Hindi na niya mahihintay
na maayos muna ang libro bago ito hiramin.
Kaya kahit bawal pa ay gagawin pa rin niya.
Maingat naman ako e, ang katwiran niya sa kanyang sarili.
Bahagyang gumaan ang loob ni Nalybel.Seryosoang
kanyang pagbabasa ng maramdamang may tumalsik na tubig sa kanyang braso. Sa
labas ng bintana ay umaambon na. Dali-dali siyang tumayo
upang isara ang bintana subalitbiglang
umihip ang malakas na hangin. Tinangay nito ang mga pigtas na pahina ng libro.
Nasa ikalawang palapag ang kanilang
silid-aklatan at ang likod nito ay masukal na kakahuyan. Natitigilan, hinabol
nya ng tingin ang mga pahinang tila mga saranggolang nilipad ng hangin papalayo.
Hindi ko naman sinasadya,katwiran niya sa sarili. Magkagayon man, sa takot na
mapagalitan, isiningit na lang niya ang libro sa pinakamalapit na lagayan.Nagdudumali
niyang kinuha ang kanyang mga gamit peronatisod niya ang upuan. Nilapitan siya
ni Bb. Ancheta, na hindi niya namalayang nakamasid pala sa kanya.
“Ok ka lang ba hija?May masakit ba sa iyo?
Masyadong kang nagmamadali, ano ba ang nangyari?”
“Naku wala po. Ok lang po ako..ano po
kasi...baka nasa may gate na po ang mama ko at hinihintay ako”, ang sagot ni
Nalybel habang ikinakawag ang kanyang mga kamayna
parang may binubura na kung ano sa hangin.
“Siya sige, pero magdahan-dahan ka pa rin,”
paalala sa kanya ng matanda.
Lumabas si Nalybel ng silid-aklatan.Totoo naman yung sinabi ko e, ang
katwiran niya sa kanyang sarili.
Sa
may tarangkahan ng eskwelahan, nakita nyang naghihintay ang kanyang ina dala
ang isang malaking payong.Tahimik niya itong nilapitan at walang kibong
naglakad pauwi.
“Matamlay
ka yata? Ngayon ka lang tumahimik, ah,” biro ng kanyang ina habang naghahain ng
meryenda, “Wala ka bang kwento ngayon?”
Nagitla
si Nalybel at saka sabay iwas na sumagot ng, “Wala po.”
Pagkakainay
agad na syang nagkulong sa kanyang kwarto. Umupo siya sa kanyang kama atbalisangipinikit nya ang kanyang mga
mata.Lumipas ang ilang sandali ng pagninilay niya sa nangyari ng hapong
iyon.Pag tinanong ako, sasabihin ko na ibang libro yun binasa ko noon dahil
pinagbawalan na ako ni Bb. Ancheta na hiramin yun hanggat hindi pa naaayos. Kinakabisa
niya ang bawat salita sa isipan.Sakabakit
ko pa yun babasahin eh nabasa ko na naman? Tama, yun ang sasabihin ko.
Guminhawa
ang kanyang pakiramdam sa naisip at sa haplos ng malamig na hangin sa kanyang
mukha mula sa bentilador na nasa tapat ng kanyang kama.Muli siyang napapikit na
may ngiti sa labi nang biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Sa halip na papunta
sa kanya’y hinihigop siya nito. Kakaibang lakas din ang dala nito na di mawari
ni Nalybel. Hinihigop…hinihigop siya…paangat…pataas…palayo…patungo kung saan.
Pagmulat
niyaay wala na siya sa kanyang kwarto at nakalutangna siya sa hangin. Napasigaw
siya nang malakas at nagpapasag na tila lumalangoy sa tubig. Pilit niyang
inaabot ang lupa pero hindi talaga siya makababa. Hindi niya alam kung gaano
siya kalayo sa lupa pero nang ituon niya sa ibaba ang kanyang paningin, nakita
niya ang isang bukid sa may paanan ngbundok.
“Nalybel,”umaalingawngaw
ang malagom na tinig. Lumingon siya sa
direksiyon ng boses at tumambad sa kanyang paningin ang isang matandang lalaki.
Suot niya’y sumbrerong tatsulok namay nakataling asul na tela. Kulay asul ang
kanyang damit, na lampas-siko ang manggas. Maluwang ang bughaw din n’yang
puruntong.Sa mga bahaging di natatakpan ng damit ay may mga nakakintal na letra
ng Alibata, gaya ng pinag-aralan ni Nalybel sa Sibika at Kultura.
“Sino
po kayo?Nasaan po ako?Bakit nyo po ako kilala?”
“Ako si Lolo Bukno, ang sumulat ng librong
binabasa mo kanina. Matagal na kitang kilala dahil madalas kitang nakikita sa
silid-aklatan. Nandito tayo ngayon sa loob ng libro ko.”
“Paano po nangyari yun...na nasa loob po tayo
ng libro?Bakit po ako napunta dito?”
“Alam
mo ang dahilan kung bakit kita dinala rito”
“Pasensya
na po pero di ko po alam. Ibalik ninyo na po ako sa amin.”
“Alam
ko ang nangyari,” pasubali ng matanda.
Nahintakutan
si Nalybel subali’t ngumiti si Lolo Bukno, “Halika at may ipapakita ako sa iyo.
Kumapit ka sa kamay ko.”
Nag-aalangang kumapit siya sa kamay ng
matanda.Sa isang iglap ay nasa baba na sila, naglalakad sa pilapil. Naalala
niyangang mga kwento sa libro aymga kwento ng buhay ng mga tagabukid. Biglang
nawala ang kanyang takot.Buong sigla siyang naglibot kasama ang matanda.
Mayamaya’y nasalubong nila si Ayong, ang
batang biniyayaan ng pambihirang lakas. Bida
si Ayong sa kuwentong tungkol sa katapangan. May dala itong pana na gagamitin
nito sa panghuhuli ng baboy ramo.
“Hello
Ayong,” ang bati niya dito pero tila wala itong nakita o narinig.
Sinundan nila ito sa kagubatan. May nakita
agad ito na baboy ramo. Inabangan niya ang pagpana nito pero bigla na lang
tumigil sa pagkilos si Ayong,ganoon din ang baboy ramo.
“Ano pong nangyari Lolo Bukno?”
Hindi
nagsalita ang matanda, muling inilahad angkamay nito. Naiintindihang humawak dito
si Nalybel at lumipad sila pabalik sa nayon. Hindi na sila bumaba pa sa lupa,
pero pinuntahan nila ang bawat bida ng mga kwento.
Kinakausap
ni Likas ang kanyang mga bulaklak bago ito tila naging estatwa. Nagtatanim ng
gulay sa likod bahay si Kapitan Isingnangbigla itong napahinto – ang mga kamay
nakataas pa at akmang magpupunas ng pawis. Ganoon din si Aling Ligaya na nagsisimula pa lang maglaba sa may batis.
Bigla silang nagmistulang tuod sa gitna ng kanilang mga ginagawa.
“Ang
bawat pahina ng libro ang bumubuo ng kanilang mga kwento,” ang malumanay na
sabi ni Lolo Bukno sa kanya.
Napayuko
si Nalybel. Nang iangat niya ang kanyang ulo at magkasalubong ang tingin nila
ng matanda, tuluyan na siyang umamin sa nagawa.
“So-sorry
na po. Hindi ko po sinasadya ang nangyari sa aklat ninyo...kasi..kasi
po...biglang humangin tapos umulan pa po, tapos...sorry po talaga,” ang naiiyak na paliwanag niya. “Paano na po sila?Hindi
ko na po ba ulit mababasaang kanilang mga kwento?” malungkot na tanong niya.
“Na
sa iyo’yon. Paano mabubuo muli ang libro Nalybel?”Sa isang iglap, nawala ang
matanda.
Nawalan ng balanse sa ere si Nalybel. Pilit
niyang ikinampay ang kanyang mga kamay pero patuloy ang pagbulusok nya sa lupa
--
“Anak,
gising na at tanghali na,” niyugyog siya ng kanyang mama. Biglang dilat sabay
bangon, napaiyak si Nalybel sa dibdib ng ina. Paulit-ulit, sinasambit niya ang
“Sorry po, ma.”
Nagtatakang nagtanong ang kanyang mama.“Bakit?”
Hindi
makaimik si Nalybel, di na siya pinilit ng kanyang ina. Sa halip…
“Lagi
mo lang sanang tatandaan anak, ang pagsasabi ng totoo ang tanging magpapalaya
sa iyo. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?”
“Opo mama.”
“Halika na, kumain ka na muna bago maligo at
pumasok sa eskwela.”
Nagmumog lang at umupo na sa hapag-kainan si
Nalybel. Nasa harap niya ang kanyang mama at may inaayos itong mga papel habang
nagsasalita.
“Ma,
ano po ‘yan?”
“Listahan
ng pamalengke ko. Nabasa kasi ng ulan kahapon at…
Dali-daling
kumain si Nalybel at naghanda papasok sa eskwela. Alam na niya ang kanyang gagawin.
Marahan nyang inilapag sa kanyang harapan ang
libro at inilabas niya ang kanyang mga kagamitan: papel, lapis, bolpen,
krayola, at pandikit.
Tiniyak muna ni Nalybel ang mga nawawalang
bahagi ng aklat, pagkatapos ay sinimulan na niyaang pagsusulat gamit muna ang
kanyang lapis.
Una niyang ginawa ang pahina 20 hanggang 23,
ang nawawalang pahina sa kwento ni Ayong. Isinulat niya kung paano nito nahuli
ang baboy-ramo at kung ano pa ang mga pinagdaanan nito sa gubat bago nakauwi nang
ligtas sa kanyang pamilya. “Ah,idodrowing
ko si Ayong habang naglalakad siya pauwi sa kanila bitbit yung kulay itim na
baboy ramo.”
Isinunod niya ang pahina 33-36 kung saan
naputol ang pakikipag-usap ni Likas sa mga bulaklak nito. Kinulayan niya ang
mga bulaklak tulad ng nakita niyang kulay ng mga ito. Higit pa niyang pinaganda
ang pagguhit sa mga hugis ng bulaklak kaysa sa dating mga pahina na kanyang
naiwala.
Lumipad
ang mga oras na di niya namanlayan. Ipinikit sandali ni Nalybel ang kanyang mga
mata at inunat ang kanyang pagod na mga kamay. Sa di kalayuan, masusing
nagmamasid ang matandang librarian.
Nakangiti…nakataas ang kaliwang kilay.
Nang makapagpahinga ay itinuloyna ni Nalybel
ang pagsulat sa pahina 49 hanggang 52, kung paanong natapos ni Kapitan Ising
ang kanyang pagtatanim at ang masaganang pag-aani nito ng mga gulay pagkaraan
ng ilang buwan. Ang mga gulay na iyon ay ibinenta ng Kapitan sa pamilihan at ibinahagi
ang natira sa kanilang pamilya atmga kapit-bahay.
Ang hulingpahinang naiwala niya ay mula 67
hanggang 70, itinuloy niya ag pagsasalaysasay ng paglalaba sa may batis ni
Aling Ligaya at kung paano dumating ang kanyang dalawang anak upang tulungan
ang kanilang ina sa pagbubuhat ng nilabhang mga damit. Iginuhit niya ang masayang
pagkukwentuhan ng papauwing mag-iina habang may nakapatong na batya sa kanilang
mga ulo.
Nang
matiyak na tama ang lahat ng kanyang mga isinulat gamit ang lapis, matiyaga
niya ulit isunulat ang bawat salita sa pamamagitan ng bolpen. Huli niyang
ginawa ang pagdidikit, kasama ang lumang pahina at mga bagong pahinang gawa
niya.
“Tapos
na ba ang sikreto mo?” Tanong ni Bb. Ancheta.
Sa
sobrang pagkabigla, natabig ni Nalybel ang ginawang aklat. Dinampot ito ng
librarian at binuklat…
“Umm,
maganda!” sabay ngiti sa bata. “Ngayo’y alam mo na ang halaga nito.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento