Tama si Chuch Eunice i-claim pa rin natin mananalo sina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan.
Pero kung manalo si Bongbong Marcos nakakahiya ang Pinas, nakakahiya at nakakalungkot maging Filipino, nakakahiyang sabihan na galing tayo sa Pilipinas. Lugar kung saan madaming tao ang nakalimot sa sarili nilang kasaysayan. Walang pagkatuto.
Lalong nakakawalang pag-asa, madami lalo ang mangingibang bansa, kawawa ang mga mahal sa buhay na maiiwan na patuloy na dadanas nang epekto nang maling pagpili nang lider na muli ay mula sa isang political dynasty.
Parang walang ka choice choice ang mga boboto kay BBM, napatunayang magnanakaw at sinungaling ang gusto nilang iboto na presidente.
Ang tanong din sakin dito nang mga nagulat ‘Bakit nasa kapangyarihan pa rin ang mga Marcos?’
Bakit pa rin sila binoboto?Pinagkakatiwalaan at pinipili nang ibang tao?
May mga nabasa akong mga malalim na pag analisa pero para sakin sa simpleng salita eto yun
Dahil may mga Filipino na hindi alam ang sariling kasaysayan nang sariling bansa, pinipiling balewalain ang katotohanan, MATIGAS ANG ULO, MA PRIDE, ayaw makinig, ayaw magbasa, ayaw i educate sa tama ang sarili, naniwala sa mga propaganda at maling impormasyon. Naniwala sa maling tao.
Kaawaan nawa ang Pilipinas kung saan mapadpad o papunta ang hinaharap nito.
Magdasal nalang tayo hindi dahil santita tayo at nagbabait baitan kundi dahil yun nalang ang pwedeng gawin sa mga bagay na hindi kontrolado.
Kaso nasa Dyos man ang awa, nasa tao ang gawa.
Sa huli, hindi pa rin maiwasang ma FRUSTRATE, ma DISAPPOINT sa sariling mga kababayan na kinulang sa Voter’s Education, sa pagbabasa nang credible facts, critical thinking at konsensya.
*Originally posted on my Facebook account last April 21, 2022
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento