Nakakalungkot na masyado nang nasanay ang mga Pilipino na bihira o halos impossible ang magkaron nang ibobotong maayos na politiko kaya ginagawa pang dahilan nang mga nabrainwash na pro Marcos ang ‘masyadong’ malinis na record ni VP Leni para hindi sya iboto.
Napaniwala ang ilan na deserve at dapat nila muling subukan ang isang Marcos.
Hindi kasinungalingan na may mga taong nakapamuhay nang maayos lalo kung galing sa lower to middle class, kung ikaw nga mismo napalaki nang maayos at nakakakuha ka nang Police at NBI Clearance nang walang problema. Anung nakakapagtaka?
Her personal and team’s achievements (as their leader) are more than enough evidences that she’s the most qualified Presidential candidate.
Gaano kahirap makakuha nang highest rating sa Commission on Audit? Alam o may idea dyan lahat nang kawani o naging empleyado nang gobyerno. At nakuha yun nang Office of the Vice President of the Philippines.
Ano ang pinag dadaanan para makakuha nang ISO Certification? Alam o may idea dyan lahat nang nagtrabaho sa may mga kompanyang nakakuha din nuon.
Magaling, tapat, at masipag.
Yan si VP Leni Robredo.
Yan ang totoo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento