Sa mga nag iisip bakit ba importante ang Konstitusyon ng Pilipinas?
Dahil sa konstitusyon po natin nakalahad ang ating mga karapatan at tungkulin ng ating gobyerno.
Ito ang pangunahin at pinaka importanteng batas sa ating bansa na marapat lamang sundin at respituhin nating lahat bilang sibilisadong mamamayan na naninirahan dito.
Dapat lamang tayong mainsultong lahat sa paghahambing dito bilang 'toilet paper' o pamunas sa pwet. Para na ring sinabi na ang ating karapatan, ang tungkulin sa atin ng ating gobyerno at sa ating bansa ay basura lamang, ay lokohan lamang, ay kasingbaba lamang nang isang pamunas sa pwet. Dahil kahit san mo man ginagamit ang toilet paper, tinawag yan na toilet paper kasi nga pang toilet, pang iwang, sa basurahan ang bagsak, o sa inodoro kung finlush mo, sa septik tank. At kung toilet paper ang batas na nag proprotekta sa atin, so ano tayo, ano ang bansa natin? TAE?
Sa mga nagsasabi na O.A. ang reaksyon ko, namin, na mga pumipiyok sa issue na ito, bilib ako sa inyong sikmura at konsensya bilang Pilipino.
At dahil mahilig ang ating presidente sa metaphor, gusto ko lang sabihin na hindi sya nag iisa. Pwede nya rin yang gamitin sa pagsusulat ng kwento o poetry, gamitin nya dun lahat ng figure of speech na gusto nya. Pero sana hindi sa pangbabastos sa atin, sa batas natin, sa bansa natin.
Hanggang kaylan natin matitiis at ipag wawalang bahala na lang ang mga ganitong bagay? Manhid man tayo pero kaylangan nating harapin ang katotohanan na kung hindi tayo SASATSAT, MAGSASALITA, AALMA, lalong walang mangyayari. Sa sunod na may makakausap tayo, pag usapan natin to kasi lahat tayo later on (if may hindi pa naaapektuhan sa ngayon) DAMAY DAMAY din tayo, kahit tayong mga wala sa Pinas, ang mga mahal natin sa buhay andyan.
Matagal ko nang gustong magsalita, magsulat, sabihin ang mga nararamdaman ko at iniisip tungkol sa ating bansa at sa mga nangyayari dito. Tulad ng nakakarami, natatakot, nanlulumo, nanglulupaypay, nauumay, nawawalan ng pag asa, tinatamad, naiinis, nagagalit, nasusura at minsan parang wala na akong maramdaman o mas accurate siguro sabihing hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Madami pa ring magagandang bagay tungkol sa Pilipinas, tungkol sa mga Pilipino. Pero bakit ganun? Bakit ganito pa rin tayo? Bakit parang hindi talaga tayo matuto tuto? Bakit gusto nating ulitin yung mga bagay na natakasan na natin? Piliin ulit ang isang diktator at sabihing yun ang kaylangan natin? Masokista ba ang mga Pilipino? Bakit natin hinahayaan at sinusuportahan ang mga ganitong klase ng leader? Dahil ba umaasa tayo na baka nuon hindi umubra pero ngayon uubra na? o SAWA na tayong umasa? Bahala na kung sinoman ang andyan pare parehas lang naman sila. Walang tunay na gustong maglingkod sa taong bayan, kung tayo ba ang mga leader natin gugustuhin ba nating paglingkuran TAYO? Baka kaya ganyan ang ginagawa nila kasi nasanay na rin lang sila na "Ay ok na yan sa Pilipino, konting tulong lang, kahit mas madami ang nakaw natin, wala na silang ibang choice, hindi naman sikat yung iba tayo lang kilala nila, sanay na sila sa atin."
Kahit yung mga hindi alam kung ano ba ang konstitusyon at kung anu anu pang mga komplikadong bagay, lahat tayo ngayon may access na kay Google, kahit anung lengwahe mo itype ang tanung mo, meron at meron kang makukuha kahit panong sagot, at maiintindihan ito ng kahit sino na handang intindihin ang dapat at gusto nilang intindihin.
Sabi siguro nung iba, basta ok ang pamilya ko, basta nabubuhay kami ng maayos, wala akong pakialam, bahala sila sa buhay nila. Wala na rin namang pag asa ang Pilipinas. Ramdam kita pero....naniniwala ako, lahat tayo naiinggit tayo sa ibang mauunlad na bansa, gusto din nating maging tulad nila. Napakayaman ng Pilipinas sa likas na yaman at yamang tao, ang Singapore at iba pang maliit na bansa na wala masyado nito pero nakaya nila, matuto tayo sa kanila, kunin at gayahin natin yung mga pwede nating gayahin, maniwala tayo na makakahanap, makakakilatis at makakapili din tayo ng sarili nating Lee Kuan Yew.
Sabi ng isang Pinoy sa isang artikulo sa Rappler nung tinanong kung ano mensahe nya sa Presidente ng Amerika nung bumisita sa Pilipinas: “Please Girahin mo na mga corrupt dito sa pinas... pa slave nalang kami basta maayos pamumuhay namin at walang pasakit sa bawat araw, may nakakain, may nabibili at may mga makukuhang magandang trabaho, at mura ang pagaaral. `Di na namin matiis pasakit at pahirap sa sariling bayan.”
Ramdam mo ba? Ang pait, ang hapdi, pagod na pagod na sya.
Tulad mo, tulad ko, tulad nating lahat.
Pero sa palagay ko hindi nakarating yang mensahe nya at kung nakarating man, alam natin na hindi pa din natin pwedeng iasa sa ibang bansa ang sarili nating problema.
Salamat kung matutulungan nila tayo pero kung hindi balik tayo sa "TAYO", tayo ulit, paulit ulit, ang mag dedesisyon anu nga ba talaga ang gusto natin para sa bansang ito?
Sana hindi naman para gamitin as 'toilet paper' lang.