Mga Pahina

Sabado, Pebrero 13, 2016

Katharine’s ShrewStory

HIStory vs HERStory
Patriarchy vs. Matriarchy
Patriarchal rules. Phallus Policy. Panalo? Patuloy pa rin ba?
Halata naman na kahit sa mga simpleng salita tulad ng woman, female, she--- lahat ng mga ito nanggaling sa salitang man, male, and he.
Sino ang mas makikita sa history? Sino ang madalas na bida sa mga ancient literary pieces?
Bigla kong natandaan yung mga nabasa ko at na discussed namin sa isang klase namin sa MACA under Feminist Theory. Ang oppression sa mga babae nuon kitang kita pa rin ang mga ebidensya hanggang ngayon. Nasa mga libro e, nasa mga kwento, nasa mga tula, at nasa HIStory mismo.
Kagabi, nagkita kami ni Katharine ng The Taming of the Shrew ni Shakespeare sa aking panaginip. Una ko syang nakilala nung nasa college pa ako pero hindi ko sya nakausap. Wala pa kasi akong masyadong pakialam at alam noon. Nakakatawa lang yung istorya nya para sakin.
Kagabi, medyo nakapag kwento sya at ipinagtanggol nya ang kanyang sarili. Wala naman daw syang kasalanan at hindi naman talaga sya mali. Tinawag syang Shrew dahil maldita sya, hindi sya submissive tulad ng inaasahan sa mga babae nuon.
Bigla ko syang naintindihan, MAS naintindihan. Nakakalungkot isipin na ang happy ending ng kwento ay nung napaamo na sya ng asawa nyang si Petruchio. Si Petruchio na yun naging bida sa kwento at buhay nya? Maaring mabuti para kay Petruchio pero tunay kaya na “happy” si Katharine sa kinalabasan ng kanyang kwento? Hindi ko na naitanong sa kanya, nagmamadali na kasi syang umalis nun nagtxt si Petruchio at pinapauwi na sya.
Ibig bang sabihin, kaylangang paamuhin ang babae kapag sya ay may sariling pag-iisip at pagpapasya sa kanyang sariling buhay? Mali man sa paningin ng iba pero tama para sa kanya?
Ang ama ni Katherine ang sya ding nasunod kaya naikasal sila ni Petruchio. Bakit ngayon ko lang sya nakausap? Mukhang matagal nya na akong sinusubukang kausapin nun una ko ko syang nakilala pero hindi ko sya masyadong pinansin.
Katharine represented and still represents the so called “shrew” in each of us, the independent woman, the dominant lady,the pasaway, maldita, masungit, mataray girl that our society dictates to be sweet, prim, proper and controlled.
Gusto mo din bang ma TAME? Papa TAME ka ba?

*tame- correct by punishment or discipline