Yung asawa ko sa 10 debates namin, isa o dalawang beses lang ako manalo, at kahit anglakas nyang mang asar pag talagang tama naman sya e anong magagawa ko.
Pero pag ako ang tama or he sees my point, he acknowledges it and he agrees with me.
Ganyan ang tunay na maayos at mabuting lalaki, marunong umayon, marunong umamin pag mali, hindi nagpapadala sa PRIDE, sa laki nang EGO, marunong MAHIYA at hindi pinipilit yung balikong paniniwala.
Wala akong paki alam kung anung kasarian pa ang maging Presidente, dun ako sa most qualified at hindi ka hiya hiya tulad ni Marcos.
Yes nakakahiya talaga, magbasa ka kung anung tingin sa atin nang mga taga ibang bansa lalo yung mga negosyante nila, bakit yun importante?
Kasi malamang gusto natin sila mag invest sa bansa natin.
Hindi lang mga mayayamang Filipino businessmen ang dapat may paki alam sa imahe natin sa buong mundo.
Bilang ordinaryong Pilipino, may paki alam din dapat tayo sa imahe natin sa labas ng ating bansa.
Nakakalungkot na nakakahiya, mas may alam pa nga minsan, at mas hindi nakakalimot ang mga nasa labas nang bansa sa mga kasalanang ginawa nang mga Marcos sa mga Pilipino.
Tantanan ako sa respeto at kung anu anung excuses.
Dahil kung nag aapply ako at hindi mo ako hinire kahit ako ang most qualified, kawalan mo pero anglaking sisi mo for sure kung ang basehan ng pagpili mo ay dahil:
1. napaniwala ka sa mga kung anu anung kasinungalingan na tinanggap at pinagtatanggol mong totoo
2. kalugar mo o anumang equivalent nang favoritism (yabang pa nung iba na pinapractice ang NEPOTISM tulad nang idol nila na si Duterte, google o i-check mo sa dictionary kung anu yun)
Hindi ako nakikipag away pero nakaka insulto at nakaka gigil yung pinipilit pa sakin yung mga disinformation kung san sila naBUDOL.
Don’t me po.
Kung ayaw mo sa totoo, wag ka dito sa wall ko, i hide mo.
Pikit.
Yung nasa Taas na ang bahala sa mga patuloy na nag bubulag bulagan, nag bibingi bingihan.
Ok lang tahimik pero boboto sa tama.
Pero yung boboto ka habang jina justify mo sa sarili mo dahil ang daming RED FLAGS ay naku good luck.
Kahit anung sipag mo kung nanakawin lang WALA din. Hindi mapupunta sa dapat puntahan.
Wala man kami sa Pinas, botante pa rin kami. Pilipino pa rin kami. Yung nanay ko at ibang mahal sa buhay andyan.
Sa pagtaas nang bilihin, pagbagsak nang ekonomiya, pagdagdag sa utang nang bansa na hatid ay pagbaba ng piso at iba pa kasama sila sa mag sa suffer sa consequences nang botong TAGILID para sa bayang sinilangan.
Yun lang.
Ang haba na naman.
Masarap nga ang mahaba (oh sa mga gusto nang green jokes dyan).
Pero seriously masarap ang mahabang paliwanag na may sense. Masarap magbasa ng mahaba basta worth it basahin at hindi fake news at hindi galing sa fake account.
Naka abot kaba dito?
Salamat.
Hindi ako galit (maliban kung may gagawin kang nakakagalit).
Gigil. Passionate. May pakialam lang.
*Originally posted on my Facebook account last May 5, 2022
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento