Mga Pahina

Lunes, Mayo 23, 2022

NABUDOL: Marcos Fake News & Disinformation Victims

Sabi nang isa kong dating kaklase noong highschool na isang Marcos supporter, mabuti na lang daw may social media na lalo na ang Facebook at Youtube dahil hindi pa daw nya malalaman ang totoo kung hindi dahil sa mga ito.

Peke, mali, at sinungaling daw lahat nang nasa libro at itinuro sa amin nung highschool. Anak sya nang isa sa mga guro namin.
Nakakalungkot di ba?
Sabi pa nya dilawan/pinklawan daw lahat nang media lalong lalo na ang America at iba pang mga bansa na sinisiraan ang mga Marcos.
Sabi ko impossibleng maging dilawan ang buong mundo, maniwala ka sa ebidensya at sa mga nakasulat sa kasaysayan dahil i a update naman nila yun kung kaylangan mang i update. Basahin at panuorin mo lahat nang gusto mong panuorin pero maging mapanuri kung san nila nakuha ang impormasyon at kung may ebidensya ba.
Nakalimutan kong itanung kung alam nya ba o na icheck nya ba kung sino ang mga may ari nang sinasamba nyang social media giants tulad nang Facebook at Youtube/Google. American companies ang mga ito 😅
So ibig sabihin sa sinasabi nya, dilawan/pinklawan din ang pinanggalingan nang mga fake news at maling information na pinaniniwalaan nya. Pero ayaw nya maniwala sa mga written posts at videos na may credible sources online na makikita din sa Facebook, Youtube, Google search at iba pang mapapagkatiwalaang websites.
Naka block na sya sa akin ngayon, oo tama po sinukuan ko na sya.
Bakit?
Malalim na ang pagkakatanim sa kanya na ang mga Marcos ang may ari nang pinaka madaming ginto sa mundo, naniniwala syang totoo ang Tallano gold at kung alam ko daw ba kung sino ang totoong may ari nang Pilipinas. Hindi ko na kinaya. Nakaka insulto ang pagpipilit nya nito sakin.
Napaka haba nang aming naging discussion. Sinubukan kong ilahad at ipaliwanag lahat pero isa sya sa mga tuluyan nang na brainwash nang ‘golden years’ nang ‘Marshall Law’ years nya, hinding hindi daw sya maniniwala sa mga sinasabi ko kahit na maglahad ako nang datos at ebidensya.
Naging toxic na ang aming usapan sa Facebook messenger. Naki usap ako sa kanya na saka na lang ulit kami mag usap kapag bukas na ang kanyang isipan.
Para sa kanya ako ang mali at na brainwash na ako nang mga dilawan/pinklawan.
Sinabi ko na lamang na sana ay wag syang mag sisi.
Kako hindi ko buburahin ang aming usapan, maaaring maging leksyon ito sa kanya sa hinaharap kapag kaylangan nyang balikan ang pagkakamaling kanyang nagawa na ngayon para sa kanya ay tama.
Patuloy na nagdarasal na may ibang makayanan syang makumbinsi at matulungan syang makapag isip at matauhan bago sya bumuto.
Totoo din na mas epektibo ang personal at harapang pakikipag usap lalo na kung bukas ang isip at teynga sa maayos na paliwanag na base sa datos at ebidensya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento