Mga Pahina

Lunes, Mayo 23, 2022

My perspective on illegal immigration

 “Like the surge of 15,000 Haitian migrants who arrived in Del Rio over the past week, most of the migrants in Central and South America left Haiti years ago, many of them after the 2010 earthquake, and have been living in other countries.”

😱
*NO to shortcut (i.e. crossing the river and expect immediate acceptance). FOLLOW the rules. WE DID. You don’t just knock into another person’s house then ask to be taken in just like that. And when the owner declines, you don’t guilt trip them and ask them (legal citizens/residents/taxpayers) to pay for anything (like your plane ticket to go back home). πŸ˜‘
People who really need help are not choosy and don’t force their own way, they are thankful to any country who accepts them (after they respectfully followed the rules of that country).
Some might say I am heartless but πŸ‡ΊπŸ‡Έ really needs to change some of their laws, birth tourism is even a huge problem here. Sadly, most illegal immigrants seem to be not afraid nor ashamed especially after giving birth to their kids here and the kids are American citizens. Even in a third world country like Philippines, a child need to have at least one Filipino parent to get citizenship or apply a citizenship as an adult.
Good citizens/residents follow the rules from the start.
They show respect by following the rules. No excuses. Good guests respect and follow the rules of the house owner. Simple logic. Simply analogy.
Why do the U.S (and other first world countries) need to shoulder other countries problems? If they want to help, THANK YOU. If not, ok. We are responsible for our own country same with our lives.

*My perspective/opinion originally posted on my Facebook account last September 21, 2021

Source: https://www.nbcnews.com/politics/immigration/more-20-000-haitians-are-gathered-colombia-possible-migration-u-n1279683?fbclid=IwAR35z8d3uN1JLmcaNAtY59sm0cqiQR1kBhIOZ699BkFH8IPrK1OTx7PxKak


Nanalo si Marcos dahil madaming Pinoy ang MATIGAS ANG ULO, MA PRIDE, ayaw makinig, ayaw magbasa, ayaw i educate sa tama at totoo ang sarili

Tama si Chuch Eunice i-claim pa rin natin mananalo sina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan.

Pero kung manalo si Bongbong Marcos nakakahiya ang Pinas, nakakahiya at nakakalungkot maging Filipino, nakakahiyang sabihan na galing tayo sa Pilipinas. Lugar kung saan madaming tao ang nakalimot sa sarili nilang kasaysayan. Walang pagkatuto.
Lalong nakakawalang pag-asa, madami lalo ang mangingibang bansa, kawawa ang mga mahal sa buhay na maiiwan na patuloy na dadanas nang epekto nang maling pagpili nang lider na muli ay mula sa isang political dynasty.
Parang walang ka choice choice ang mga boboto kay BBM, napatunayang magnanakaw at sinungaling ang gusto nilang iboto na presidente.
Ang tanong din sakin dito nang mga nagulat ‘Bakit nasa kapangyarihan pa rin ang mga Marcos?’
Bakit pa rin sila binoboto?Pinagkakatiwalaan at pinipili nang ibang tao?
May mga nabasa akong mga malalim na pag analisa pero para sakin sa simpleng salita eto yun πŸ‘‡πŸΌ
Dahil may mga Filipino na hindi alam ang sariling kasaysayan nang sariling bansa, pinipiling balewalain ang katotohanan, MATIGAS ANG ULO, MA PRIDE, ayaw makinig, ayaw magbasa, ayaw i educate sa tama ang sarili, naniwala sa mga propaganda at maling impormasyon. Naniwala sa maling tao.
Kaawaan nawa ang Pilipinas kung saan mapadpad o papunta ang hinaharap nito.
Magdasal nalang tayo hindi dahil santita tayo at nagbabait baitan kundi dahil yun nalang ang pwedeng gawin sa mga bagay na hindi kontrolado.
Kaso nasa Dyos man ang awa, nasa tao ang gawa.
Sa huli, hindi pa rin maiwasang ma FRUSTRATE, ma DISAPPOINT sa sariling mga kababayan na kinulang sa Voter’s Education, sa pagbabasa nang credible facts, critical thinking at konsensya.

*Originally posted on my Facebook account last April 21, 2022

Leni Robredo

Nakakalungkot na masyado nang nasanay ang mga Pilipino na bihira o halos impossible ang magkaron nang ibobotong maayos na politiko kaya ginagawa pang dahilan nang mga nabrainwash na pro Marcos ang ‘masyadong’ malinis na record ni VP Leni para hindi sya iboto.

Napaniwala ang ilan na deserve at dapat nila muling subukan ang isang Marcos.
Hindi kasinungalingan na may mga taong nakapamuhay nang maayos lalo kung galing sa lower to middle class, kung ikaw nga mismo napalaki nang maayos at nakakakuha ka nang Police at NBI Clearance nang walang problema. Anung nakakapagtaka?
Her personal and team’s achievements (as their leader) are more than enough evidences that she’s the most qualified Presidential candidate.
Gaano kahirap makakuha nang highest rating sa Commission on Audit? Alam o may idea dyan lahat nang kawani o naging empleyado nang gobyerno. At nakuha yun nang Office of the Vice President of the Philippines.
Ano ang pinag dadaanan para makakuha nang ISO Certification? Alam o may idea dyan lahat nang nagtrabaho sa may mga kompanyang nakakuha din nuon.
Magaling, tapat, at masipag.
Yan ang totoo. 😊

NABUDOL: Marcos Fake News & Disinformation Victims

Sabi nang isa kong dating kaklase noong highschool na isang Marcos supporter, mabuti na lang daw may social media na lalo na ang Facebook at Youtube dahil hindi pa daw nya malalaman ang totoo kung hindi dahil sa mga ito.

Peke, mali, at sinungaling daw lahat nang nasa libro at itinuro sa amin nung highschool. Anak sya nang isa sa mga guro namin.
Nakakalungkot di ba?
Sabi pa nya dilawan/pinklawan daw lahat nang media lalong lalo na ang America at iba pang mga bansa na sinisiraan ang mga Marcos.
Sabi ko impossibleng maging dilawan ang buong mundo, maniwala ka sa ebidensya at sa mga nakasulat sa kasaysayan dahil i a update naman nila yun kung kaylangan mang i update. Basahin at panuorin mo lahat nang gusto mong panuorin pero maging mapanuri kung san nila nakuha ang impormasyon at kung may ebidensya ba.
Nakalimutan kong itanung kung alam nya ba o na icheck nya ba kung sino ang mga may ari nang sinasamba nyang social media giants tulad nang Facebook at Youtube/Google. American companies ang mga ito πŸ˜…
So ibig sabihin sa sinasabi nya, dilawan/pinklawan din ang pinanggalingan nang mga fake news at maling information na pinaniniwalaan nya. Pero ayaw nya maniwala sa mga written posts at videos na may credible sources online na makikita din sa Facebook, Youtube, Google search at iba pang mapapagkatiwalaang websites.
Naka block na sya sa akin ngayon, oo tama po sinukuan ko na sya.
Bakit?
Malalim na ang pagkakatanim sa kanya na ang mga Marcos ang may ari nang pinaka madaming ginto sa mundo, naniniwala syang totoo ang Tallano gold at kung alam ko daw ba kung sino ang totoong may ari nang Pilipinas. Hindi ko na kinaya. Nakaka insulto ang pagpipilit nya nito sakin.
Napaka haba nang aming naging discussion. Sinubukan kong ilahad at ipaliwanag lahat pero isa sya sa mga tuluyan nang na brainwash nang ‘golden years’ nang ‘Marshall Law’ years nya, hinding hindi daw sya maniniwala sa mga sinasabi ko kahit na maglahad ako nang datos at ebidensya.
Naging toxic na ang aming usapan sa Facebook messenger. Naki usap ako sa kanya na saka na lang ulit kami mag usap kapag bukas na ang kanyang isipan.
Para sa kanya ako ang mali at na brainwash na ako nang mga dilawan/pinklawan.
Sinabi ko na lamang na sana ay wag syang mag sisi.
Kako hindi ko buburahin ang aming usapan, maaaring maging leksyon ito sa kanya sa hinaharap kapag kaylangan nyang balikan ang pagkakamaling kanyang nagawa na ngayon para sa kanya ay tama.
Patuloy na nagdarasal na may ibang makayanan syang makumbinsi at matulungan syang makapag isip at matauhan bago sya bumuto.
Totoo din na mas epektibo ang personal at harapang pakikipag usap lalo na kung bukas ang isip at teynga sa maayos na paliwanag na base sa datos at ebidensya.

Praying for the good people in the Philippines πŸ˜’πŸ’”πŸ™πŸΌ

Let’s pray no will get hurt and no one will hurt our students activists.

I’ll always be here and will always be praying for my loved ones in the Philippines who didn’t vote for Marcos and his uniTHIEVES (unite to steal and more).
To those who voted for him, I am letting you go to whatever path you chose. I gave up on you when you gave up your values, heart, soul, conscience to support people like Marcos and his uniTHIEVES.

*Originally posted on my Facebook account last May 10, 2022

Reaction on a YouTube video about Philippines Election: Last Week Tonight with John Oliver (HBO)

Watch it here: Philippines Election: Last Week Tonight with John Oliver (HBO)

Surprise!
We have our own segment from a British comedian’s show.
Laughingstock.
If there’s any leftover Marcos & Duterte blind supporters in my FriendList, get yourself out.
You are not welcome here and in my life anymore.
I don’t need anyone who support and justify the vile & power hungry Marcoses and Dutertes.
I mean it.
Let’s talk again when you realize it’s unrespectable to support and defend a murderer/mastermind of murders and tortures especially of innocent people, stealing from our country, lying about almost everything, did and still doing all these without a bit of remorse.
Let’s talk again when you can accept facts and evidences without insulting our own history by saying these are all just plain accusations blemishing their ‘perfect Yamashita & Tallano gold plated’ name.

*Originally posted on my Facebook account last May 9, 2022

Marcos Machinery of Fake News, Disinformation, Propaganda & more

Sa mga magsesend sa akin nang link from the Marcos machinery of fake news, disinformation, propaganda, and lies:

Please don’t send a link to me where the author of the post is not even a real person but a fictional character.
Iko-convince mo na rin lang ako dun naman sa ang post ay galing sa totoong tao na ginagamit ang totoong pangalan nya.
If you can’t even explain geopolitics and other terms you’ve read, heard and watch from pro Marcos videos from Tiktok, Youtube, or here in Facebook then you don’t really understand what you’re talking about.
If you believe that credible sources online, reference books in schools, historians, accurate data/numbers and legitimate evidences are fake/false then there’s nothing to say anymore.
Let’s not waste each other’s time kung ganitong klase ang discussion. If sarado ang isip mo at ayaw mong maniwala na nabiktima ka nang fake news at disinformation, magpapaikot-ikot lang tayo.
If you want to maintain our friendship, just hide the things I share and post if you don’t like it or wala kang tyaga magbasa o manuod.
Post and say whatever you want on your wall as I do in mine.
If you are so full of pride and you don’t want to try to educate yourself, that’s your choice.
Sabi nga nang isang Leni supporter na nabasa ko: I respect you, but not your opinion if it is based on lies, ignorance, and fake news.
Thanks.

*Originally posted o my Facebook account last April 25, 2022

Marunong MAHIYA

Yung asawa ko sa 10 debates namin, isa o dalawang beses lang ako manalo, at kahit anglakas nyang mang asar pag talagang tama naman sya e anong magagawa ko. πŸ˜…

Pero pag ako ang tama or he sees my point, he acknowledges it and he agrees with me.
Ganyan ang tunay na maayos at mabuting lalaki, marunong umayon, marunong umamin pag mali, hindi nagpapadala sa PRIDE, sa laki nang EGO, marunong MAHIYA at hindi pinipilit yung balikong paniniwala.
Wala akong paki alam kung anung kasarian pa ang maging Presidente, dun ako sa most qualified at hindi ka hiya hiya tulad ni Marcos.
Yes nakakahiya talaga, magbasa ka kung anung tingin sa atin nang mga taga ibang bansa lalo yung mga negosyante nila, bakit yun importante?
Kasi malamang gusto natin sila mag invest sa bansa natin.
Hindi lang mga mayayamang Filipino businessmen ang dapat may paki alam sa imahe natin sa buong mundo.
Bilang ordinaryong Pilipino, may paki alam din dapat tayo sa imahe natin sa labas ng ating bansa.
Nakakalungkot na nakakahiya, mas may alam pa nga minsan, at mas hindi nakakalimot ang mga nasa labas nang bansa sa mga kasalanang ginawa nang mga Marcos sa mga Pilipino.
Tantanan ako sa respeto at kung anu anung excuses.
Dahil kung nag aapply ako at hindi mo ako hinire kahit ako ang most qualified, kawalan mo pero anglaking sisi mo for sure kung ang basehan ng pagpili mo ay dahil:
1. napaniwala ka sa mga kung anu anung kasinungalingan na tinanggap at pinagtatanggol mong totoo
2. kalugar mo o anumang equivalent nang favoritism (yabang pa nung iba na pinapractice ang NEPOTISM tulad nang idol nila na si Duterte, google o i-check mo sa dictionary kung anu yun)
Hindi ako nakikipag away pero nakaka insulto at nakaka gigil yung pinipilit pa sakin yung mga disinformation kung san sila naBUDOL.
Don’t me po.
Kung ayaw mo sa totoo, wag ka dito sa wall ko, i hide mo.
Pikit.
Yung nasa Taas na ang bahala sa mga patuloy na nag bubulag bulagan, nag bibingi bingihan.
Ok lang tahimik pero boboto sa tama.
Pero yung boboto ka habang jina justify mo sa sarili mo dahil ang daming RED FLAGS ay naku good luck.
Kahit anung sipag mo kung nanakawin lang WALA din. Hindi mapupunta sa dapat puntahan.
Wala man kami sa Pinas, botante pa rin kami. Pilipino pa rin kami. Yung nanay ko at ibang mahal sa buhay andyan.
Sa pagtaas nang bilihin, pagbagsak nang ekonomiya, pagdagdag sa utang nang bansa na hatid ay pagbaba ng piso at iba pa kasama sila sa mag sa suffer sa consequences nang botong TAGILID para sa bayang sinilangan.
Yun lang.
Ang haba na naman.
Masarap nga ang mahaba (oh sa mga gusto nang green jokes dyan). πŸ˜‚
Pero seriously masarap ang mahabang paliwanag na may sense. Masarap magbasa ng mahaba basta worth it basahin at hindi fake news at hindi galing sa fake account.
Naka abot kaba dito?
Salamat.
Hindi ako galit (maliban kung may gagawin kang nakakagalit).
Gigil. Passionate. May pakialam lang. πŸ˜‰πŸ’—

*Originally posted on my Facebook account last May 5, 2022

Nakakaloka ang upcoming Philippine Election 2022

   Grabe nakakaloka talaga ang pagkaka brainwash/ pagkaka biktima sa lies, disinformation, at propaganda nang mga sumusuporta sa mga Marcos.

Paano nila na ju justify sa mga utak, puso, at konsensya nila na ang mga kakampi ng mga Marcos ay galing din sa mga political dynasties, mga corrupt at magnanakaw din sa kaban nang bayan na sina Arroyo, Ejercito, Revilla at iba pa? Birds of the same feather flock together.
Paano nila naaatim magbulag bulagan? πŸ˜’πŸ’”
Paanong hindi sila nakakaramdam ng awa sa mga nakaranas ng pang aabuso sa kamay ng mga Marcos? Ang mga pinahirapan at pinatay. Kahit kanino hindi mo gugustuhin mangyari yung ginawa sa kanila.
Bakit mas gusto nila maniwala sa mga posts at videos na walang maayos na pinanggalingan?
Na guni guni ang ebidensya?
Pero tinatamad magbasa, manuod o ayaw agad maniwala pag galing sa credible sources, may legitimate references, proper citations and actual evidences.
Kahit saan galing, pinklawan daw ang buong mundo!
Bakit kaya hindi nila makita o kahit nakita ay binabalewala yung mga RED FLAGS? mga BABALA at KATUNAYAN na may mali sa iboboto nila?
Bakit hindi sila nahihiya?
Bakit hindi nakokonsensya?
Bakit naniniwala sila sa mga fake news at pang ookray about kay Leni pero yung VALUES of hard work, integrity, at credentials na hindi pineke hindi sapat sa kanila?
Bakit galit na galit sila na documented lahat nang achievements at ginagawa ni Leni?
E ganun din naman tayong lahat kahit nung nag aaral pa tayo pag may project tayo may written report na kasama, hanggang ngaun nga mapa trabaho o ordinaryong araw dinodocument, nirerecord, pinipicturan natin lahat at pinopost sa ating mga social media accounts.
Hindi susuko sa paglaban sa kasinungalingan.
Kahit nakaka disappoint yung mga Marcos supporters.
Kahit nakaka frustrate ang katigasan nang ulo at pride.
Kaylan pa sila matatauhan at magsisisi?
Pag huli na talaga?
Saan na lang sila pwedeng tablan?
Dasal.
Mananaig pa rin lagi ang katotohanan at totoong kabutihan.
Hingang malalim.

Originally posted on my Facebook account last May 6, 2022
Lynn Fampolme, Resy OrdoΓ±a Villanueva and 5 others
3 Comments
Like
Comment
Share