May ilan na talaga namang legit. Tulad ng Avon* at Amway.
Pero meron ding mga nagsasabi na may pagkakatulad na rin kahit ang mga nabanggit sa isang Pyramid scheme. Madami pa rin ang nagsasabi na hindi ngunit may paalala. May isang unbiased umano na review akong natagpuan na maaring basahin.
Sa kabilang banda, sa pagkakaalam ng aking asawa mas madami naman daw ang naloloko dito sa Amerika ng Ponzi scheme.
Natanong ka na ba ng Open minded ka ba? May kakilala ka ba na bigla na lang nag text, nag chat o tumawag para yayain kang mag kape? Ang biruan, alam na this. Kung wala kang balak sumali, run for your life. 😅🤣
Kung wala ka namang ka alam alam at nakipag kita ka, napasama o na 'kidnap' sa isang presentation, hindi ka nag iisa.
Na budol budol ka na ba?
Na pressure?
Na guilt trip?
Kung oo, at pakiramdam mo na budol budol ka, na pressure, na guilt trip, muli, hindi ka nag iisa na napaniwala ng mga pangako na malaki ang kikitaing pera at makakapag travel ka pa kung saan saan.
Gullible nga ba ang mga Pinoy?
Isa pang tanong, kung sa ibang bansa ang headquarters ng mga companies na ito (though may mga bago na 100% Filipino owned na), bakit hindi sila o hindi na sila ganun ka sigla sa mga bansa na pinagmulan nila pero namamayagpag sila sa Pilipinas?
Bakit nga ba booming pa rin ang mga direct selling companies sa Pilipinas? Bakit nga ba hit na hit pa rin ang mga ito?
Sinasabing ang old ways ng mga companies na ito ay epektibo pa rin sa mga Pinoy.
Sino-sino ang mga sumasali at tumatangkilik?
Mga part timers o walang regular na trabaho lang ba ang mga nahihikayat? Mga housewives lang ba na naghahanap ng extra income? HINDI.
Iba ibang tao galing sa iba't- ibang larangan ang sumusubok, ang nahihikayat, ang nangungutang pa para lang ipambili ng 'starter kit' o kung anuman ang tawag dito ng MLM company na sinalihan.
Pulis, teachers, kahit mga doktor, nurses at iba pang mga nasa medical field.
Parang kulto ang mga networking companies na ito kung makapang charm ng mga myembro.
Sa isang artikulo ng Forbes, inamin ng USANA na sumailalim ito sa isang informal na probe ng Security and Exchange Commission noong 2007.
Ilang mga MLM companies na rin tulad ng Royale Business Club ang may hinarap na tax evasion charges. Ilang mga companies din ang nagkaron ng pyramidal problems kaya naman isinulong ng Department of Trade and Industries noong 2017 na magkaron ng isang ahensya na sasala sa mga direct selling companies.
Madami ang nawalan ng pera dahil sa panloloko ng isang multi million pyramid scam sa Mindanao nuong 2018, ang pangalan ng kompanya ay Lahdin's Marketing.
Isang artikulo ang aking natagpuan tungkol sa pag kaka ugnay ng MLM at Pyramid Scheme sa Pilipinas.
May isang pag aaral din na ginawa tungkol sa Pitfalls ng Network Marketing sa Pinas.
May mga nag sasabi na madami na ang nasirang buhay ng pagsali sa MLM, ang nababaon sa utang, ang nagkakalamat ang relasyon sa pamilya at mga kaibigan.
Sa palagay ko, uso pa rin ang networking sa Pinas dahil sa kagustuhan ng mga Pinoy na makapag negosyo kahit sa kokonting puhunan. Dagdag na kita para sa mga maybahay at kahit sa mga nagtratrabaho pa, ganun din sa mga nag retired na.
Nakakalungkot nga lamang isipin na karamihan sa mga sumasali ay iniisip na easy money o maibebenta nila ang mga produkto ng sinalihang kumpanya nang madali.
Na amazed sa presentation ang karamihan, sa mga nagsabing napagaling, napaputi, napapayat sila ng produkto ng kompanya.
Nakaligtaan na higit na may kamahalan ang karamihan sa mga produkto na inilalabas ng mga bagong MLM companies na ito kumpara sa mabibili sa grocery kung kayat kung hindi magaling mag sales talk o mambola, mahirap makuhang muli pabalik ang nailabas na pera.
Madami pang big myths and facts about MLM programs at malaki ang maitutulong sa mga gustong sumali na alamin muna ang mga ito bago magdesisyon at maglagak ng perang kanilang pinaghirapan o inutang.
May 5 fatal flaws ang MLM. Marapat na ito ay timbangin muna. Hindi lahat ng tao ay para sa MLM. May mga nagtatagumpay man ngunit higit pa ring madami ang umuuwing luhaan, ang nababaon sa utang.
Naniniwala ako na higit nang mautak o nag iisip ang mga Pinoy ngayon lalo na ang mga Millenials bago sumali sa kahit anong MLM.
Sa ngayon, nakakaranas ng mga challenges ang mga MLM companies kahit pa nga ang nangunguna sa Amerika na Amway na meron din sa Pinas.
Magkaganon man, masasabi pa rin natin na hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng mga Pinoy ang mga MLM companies.
Pahabol! Naisip ko lang ano kaya ang reaction ng mga die hard networkers noon dun sa sikat na 'Yes! Powerful! line nina Kim Chiu at Xian Lim sa pelikulang All You Need is Pag-ibig na nagpapakita ng isang stereotypical na meeting/presentation sa isang networking company. Naging pambansang inside joke na tuloy ang linya na ito kasama ng 'Open minded ka ba?' 😂✌
*Hindi po ako against sa direct selling/MLM/networking basta legit at kayang ibenta dahil abot kaya at may mga siguradong consumers na sa market. May Avon store nga kami sa Cavite e, pero bukod sa mga dealers madami din kaming mga suki dahil well known na ang mga produkto ng Avon sa Pinas, kumbaga may cult following na. Subok na rin ang kalidad. Lalo na ang kanilang mga underwears, makeup, cologne and lotions. A proud user here. Naka pag advertisement pa nga e noh. Haha.
Suggested Readings:
Understanding pyramid scams in PH
Investors in Philippine Pyramid Scheme Lose Over $2 Billion
Philippines Deports Mastermind of $33 Million Bitcoin Pyramid Scheme
BI nabs alleged leader of pyramid scam in Davao
Court freezes Kapa-Community Ministry's assets over Ponzi scheme
The Difference Between MLM and Pyramid Schemes
Investing 101: Don’t Get Scammed! Learn How to Spot Investment Scams in the Philippines