Sa tagalog, ang kamangmangan daw ay lubos na kaligayahan.
Payag ba tayong maging mangmang kung ang kapalit ay kaligayahan?
Ano ba ang mas masakit? Masabihan ng tanga o mangmang?
Ano ba ang pagkakaiba?
Nagagalit tayo pag nasasabihan tayong tanga o mangmang pero alam ba natin ang pinagkaiba?
Saan mas guilty ang mga Pilipino?
Ayon kay Juan Flavier, may taong mas gugustuhin pang matawag na ulol kesa masabihang mangmang o tanga sapagkat may kasabihan ang mga matatanda na nagpapahiwatig na "may pag-asa" pang gumaling o bumait ang mga nauulol o nababaliw, samantalang wala nang pag-asa pa ang isang tanga.
Pinakamahirap pangaralan ang mga taong sarado ang isip at mayayabang na hirap tumanggap na mali ang kanilang inaakala. Ma pride ika nga.
Wala raw maling paniniwala. Siguro nga kung respeto ang pag uusapan pero totoo ang maling akala.
Maling akala.
Akala ko kasi totoo yung nabasa ko, totoo yung narinig ko, totoo yung tinuro sakin.
Mahirap itama o palitan ang kaalaman na naidukduk na sa kailaliman ng ating pag iisip.
Mas mahirap kapag pinaniwalaan na ng isang tao ang isang kasinungalingan bilang katotohanan.
Paano ba natin maitatama ang maling impormasyong naipasok, naisuksok, naimarka na sa ating pagkatao?
Kaylangang maging bukas ang ating pag iisip, timbangin muli natin ang mga bagay na hindi nailahad sa atin nuong una, at saka mag desisyon kung ang bagong argumento na ating nalaman ay higit na dapat paniwalaan.
Patunayan nating hindi tayo tanga. Na hindi tayo papayag manatiling mangmang.
Na ang tunay na kaligayahan ay para sa mga MAY ALAM!
The images below are not mine and downloaded from the internet, but I will share it here because they discussed the difference of stupidity and ignorance.
Suggested Reading:
Miseducated and disinformed
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento