11. Texts- cards na mas maliit sa ginagamit na baraha ng mga ale sa tong-itan pero minsan ginagamit ng mga bata sa school sa parehas na paraan. List of anime na nagkaron ako ng texts: dragon balls, voltes v, daimos, power rangers, ghost fighter, pokemon, fushigi yougi, hunter x hunter, flames of recca.
12. Jackstone. Nilalaro sa lahat ng bakanteng oras na magkakaroon ako sa eskwelahan, lalo na kung wala ang teacher, kanya kanyang upuan na kami sa sahig, kadalasan 2-4 kaming magkakalaro. Pagalingan sa expeditions: cave, tutuldok, check, milo, around the world, luksong baka, falling star at iba pang mga terminologies na tanging mga professional jackstoner na bata lamang ang nakakaalam. Sa bahay, kahit mga tiyahin kong kolehiyala na ay addict sa larong ito. Kung mag- isa naman ako, kaliwa't kanang kamay ko ang magkalaban na naging resulta ng pagiging blackbelter ko sa larong ito.
13. Fairy tales addiction. 365 all year round fairy tale book. Galing sa napamaskuhan ko, binili ko ang nakakalagnat na 300+ at unang makapal na libro na nagkaroon ako, galing ang pera sa upa ng aking mga tiyuhin ng minsang ginawa nilang lamesa sa inuman ang study table sa kwarto ko.
14. Fushigi Yougi. Palabas tuwing byernes ng gabi, Isa sa mga dahilan kung bakit naisumpa ko ang Meralco noong bata pa ako dahil napakadaming araw at oras naman na mag brobrown out ay byernes pa ng gabi. Minahal ko ng labis ang palabas na ito, gising o tulog man ako.
15. Sino ang hindi naihi at natae sa short o palda noong elementary? E ang tumae o umihi ng sapilitan sa mabantot, madilim at sira sirang banyo? Kung hindi nyo ito naranasan, e di kayo na! E DI WOW! Pero sayang, hindi nyo naranasan ang kakaibang kahihiyan na magpapatibay sa inyong pagkatao at ang sapilitang pagbaon nito sa pinaka ilalim na amnesia part ng inyong utak.
16. Sumayaw ng makarena, hey mickey at ang walang kamatayang exercise songs para sa aming field demonstration. Mga panahong kaylangan mong mag make up, mag suot ng p.e. uniform, maglaso ng buhok at gamitin ang pompoms na pinaghirapan mong gawin.
17. Tatlong araw na bakasyon sa Mindoro tuwing Mayo para sumayaw ng Azu-asucena habang nagsasaboy ng bulaklak para sa Flores de mayo at matakot sa mga Morion na nagpahirap at pumatay kay Kristo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento