1. Pamilya at mga kaibigan (buti na lang uso na ang videocall!)
2. Jeep, tricycles at iba pang PUVs
3. Sachets and budget packs
4. Whitening products. Na mura at madaming pagpipilian. LOL.
5. Overpass
6. Pagsasalita ng Tagalog (kahit lagi mo naman sila nakakausap via videochat!)
7. Pakikipag usap gamit ang gaylingo
8. Mga pagkain na hindi madaling gawin dito sa America dahil hahanapin mo pa yung mga sahog at itratranslate sa English. LOL
9. Maligalig na mga Pinoy. Charot! Yung mga maiingay mong kapitbahay na nag vivideoke kahit alanganing oras na! Haha. Buhay na buhay ang mga kapitbahay!
10. Mga tambay at pulubi. Charot po ulit! Suri na.
11. Yung madilim na pagdating ng 6pm.
12. Ibat ibang rice meals pagpasok mo sa kahit anong restaurant.
13. PERLA
14. Powdered juice at powdered milk na napakadami ding pagpipilian
15. 3-in-1 Coffee
16. Simpleng rice cooker na baba at taas lang ang option. Haha.
17. Duyan sa puno
18. Pinoy street foods tulad ng isaw, dugo, fish ball, kikiam, taho, itlog ng pugo, at mga iba pang makukukot na sa kalsada ng pinas mo lang makikita. Mura at madaling hanapin (related sa # 8)
19. Madaming taong naglalakad sa kalsada
20. Murang parlor/salon