HIStory vs HERStory
Patriarchy vs. Matriarchy
Patriarchal rules. Phallus
Policy. Panalo? Patuloy pa rin ba?
Halata naman na kahit sa
mga simpleng salita tulad ng woman, female, she--- lahat ng mga ito nanggaling
sa salitang man, male, and he.
Sino ang mas makikita sa
history? Sino ang madalas na bida sa mga ancient literary pieces?
Bigla kong natandaan yung
mga nabasa ko at na discussed namin sa isang klase namin sa MACA under Feminist
Theory. Ang oppression sa mga babae nuon kitang kita pa rin ang mga ebidensya
hanggang ngayon. Nasa mga libro e, nasa mga kwento, nasa mga tula, at nasa
HIStory mismo.
Kagabi, nagkita kami ni Katharine ng The
Taming of the Shrew ni Shakespeare sa aking panaginip.
Una ko syang nakilala nung nasa college pa ako pero hindi ko sya nakausap. Wala
pa kasi akong masyadong pakialam at alam noon. Nakakatawa lang yung istorya nya
para sakin.
Kagabi, medyo nakapag
kwento sya at ipinagtanggol nya ang kanyang sarili. Wala naman daw syang
kasalanan at hindi naman talaga sya mali. Tinawag syang Shrew dahil maldita
sya, hindi sya submissive tulad ng inaasahan sa mga babae nuon.
Bigla ko syang
naintindihan, MAS naintindihan. Nakakalungkot isipin na ang happy ending ng
kwento ay nung napaamo na sya ng asawa nyang si Petruchio. Si Petruchio na yun
naging bida sa kwento at buhay nya? Maaring mabuti para kay Petruchio pero
tunay kaya na “happy” si Katharine sa kinalabasan ng kanyang kwento? Hindi ko
na naitanong sa kanya, nagmamadali na kasi syang umalis nun nagtxt si Petruchio
at pinapauwi na sya.
Ibig bang sabihin, kaylangang
paamuhin ang babae kapag sya ay may sariling pag-iisip at pagpapasya sa kanyang
sariling buhay? Mali man sa paningin ng iba pero tama para sa kanya?
Ang ama ni Katherine ang
sya ding nasunod kaya naikasal sila ni Petruchio. Bakit ngayon ko lang sya
nakausap? Mukhang matagal nya na akong sinusubukang kausapin nun una ko ko
syang nakilala pero hindi ko sya masyadong pinansin.
Katharine represented and
still represents the so called “shrew” in each of us, the independent woman,
the dominant lady,the pasaway, maldita, masungit, mataray girl that our society
dictates to be sweet, prim, proper and controlled.
Gusto mo din bang ma TAME?
Papa TAME ka ba?
*tame- correct by punishment or
discipline