Mga Pahina

Lunes, Marso 16, 2015

CHILDHOOD MEMORIES Part 1

1. Grade 3: Pagbubudbod ng asin sa ugat ng nyog sa likod ng grade 3 building sa paniniwalang may kinakalaban kaming masasamang espirito na nakatira sa puno. Kasama ang bff ko, after lunch dun namin inaaksaya ang natitirang oras, dala dala ang tirang asin, ketchup o kahit anung condiments sa baon o nabili naming pagkain, walang awa naming binubuhos iyon sa ugat ng puno. Ang kawawang puno, kung nakakapagsalita lang siguro sya, itatanong nya sa amin kung bakit ginagawa naming luto-lutoan ang mga ugat nya.

2. Family days: Antipolo Church, pagkain sa chinese resto at pag gala sa Cubao. Panunuod ng mga gumagalaw na puppets sa itaas ng isang mall/building sa may Cubao tuwing pasko. Ang pagsakay sa jeep pauwi na may napakalakas na tugtog at kung mamalasin pa ay byaheng impyerno (jeep na tila sumasayaw na sa kalye sa likot magdrive ng driver). Pagtulog sa jeep sa ibabaw ng dikit dikit na legs ng mama ko at dalawa kong tita.

3. Grade 6: PINTADOS (my favorite show at that time) VS ERAP IMPEACHMENT TRIAL (my dad's favorite show)= AWAY SA TV

4. 10/20, chinese garter, jumping rope  na madalas gawa sa tinirintas na rubber bonds/goma while singing i love you mother father...

5. paper dolls ni Sailor Moon, chibyusa at barbie= cheaper version ng Barbie dolls, magaan pang dalhin, kasya sa pencil case na tela

6. hollen na iba iba ang kulay, meron pa nga na kahawig ng mata ng pusa

7. lutu-lutuan mag-isa gamit ang mga dahon at bulaklak ng halaman ni mama, bihira akong magluto ng may apoy talaga, mas hilig ko ang mag gunting gunting o mag dikdik ng mga dahon at bulaklak at ipunin ang katas noon

8. Hiyatigidigtigidigka,uupo ako sa hita ng tatay ko at mag papauga na parang kala mo hasyendera na nangangabayo

9. Pongpong pogapong, uupo sa may bandang tuhod pababa at parang kakargahin ka hanggang umangat ka sa ere, another version ay lalaruin ang paa ng bata para itaass ibaba

10. sipa na straw ang katawan at bilog na tanso na makapal pa sa piso na kalabaw ang ulo, lampas ulo ang sipa ng mga professional maglaro nito gamit ang paa o siko, nasa mga paa ko pa ang souvenir kong paltos mula sa paglalaro ng nakasandals lang

to be continued...